KALAYAAN

                                                                  KALAYAAN


                                    Ang kalayaan ay ang isang salita na nagpapakita na ikaw ay malaya sa iyong mga gusto o makukuha mo lahat na hilig sa buhay pero sa akin ang kalayaan ay ang pagkakaroon ng sariling kilos na kanyang maaaring kahihinatnan at ang mga paraan upang makamit ang ating gusto, ang kahulugan nito ay malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos upang pumili ng partikular na gusto o bagay.





                                    Lahat tayo ay gusto makamit ang kalayaan na wala ng taong magdikta sa ating gustong kilos na gawin para sa mga bagay na sa tingin natin ay makakatulong o magbibigay ng magandang buhay, nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao.





                                   Ang paging malaya ay hindi na sinasabi na pwede mo nang gawin ang lahat na gusto mo kahit ito ay makakasama sa iba o merong nasasaktan na iba dahil kahit ikaw ay malaya dapat mo isipin na ang mga gusto mong makamit ay hindi lahat ito ay pwede mong makuha dapat mong isipin na ito ba ay nakakatulong sa iba o nasasaktan lang ang iba sa iyong ginagawa.


Comments

Popular posts from this blog

BABY STEPS TO BRITISH ACCENT

MISYON SA BUHAY

NAPAPANAHONG ISYU