OPEN LETTER

 ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA IYO

Ito ay isang bukas na lihan para sa ating mga lider ng bansa, ako po ay isang mag aaral na may kamalayan sa kahalagahan ng bawat humihingang nilalang, maari po sanang itigil na natin ang patayan.
Ang pangangailangan at kagustuhan ng ating lokal ng komunidad ay isang matiwasay na lipunan, maunlad na pamumuhay at payapang bayan.
Hindi ko nais manirahan sa isang bansang nabubuhay sa takot.  Ang mga kriminal na malakas gumawa ng mga karumaldumal na gawain ay dinadaig na ngayon ng ating mga kapulisan, ang pambansa nating proteksyon.
Paano pa tayo makakasigurong ligtas kung hindi lang tayo natatakot sa maaaring maganap na mga krimen kundi pati na rin sa kawalan ng mga karapatang pantao at due process.
Maaari na ngayong pumatay ang kahit sino at sabihin na lang na may koneksyon ito sa droga.
Bakit mas adik na ngayon ang mga opisyal, awtoridad at pinuno? Adik at ganid sa puwesto, kapangyarihan at pera!
Ang lakas ng adiksyon ng mga mamamayan sa kawalan ng respeto sa bawat buhay.
Sana po ay mapagmuni-muni natin kung sino na talaga ngayon ang adik?
Nawa'y lahat tayo ay magising na sa katotohanan na ang tanging biktima lamang ng malawakang patayan sa buong bansa ay ang mga walang kayang ipagtanggol ang sarili at mga walang sapat na yamang pinansyal.
Pati mga inosente at bata, na siyang pag-asa ng ating lipunan ay unti-unting binabaelwala ng estado.
Makarating sana ang liham na ito sa lahat ng kinauukulan.

Comments

Popular posts from this blog

BABY STEPS TO BRITISH ACCENT

MISYON SA BUHAY

NAPAPANAHONG ISYU