ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA IYO Ito ay isang bukas na lihan para sa ating mga lider ng bansa, ako po ay isang mag aaral na may kamalayan sa kahalagahan ng bawat humihingang nilalang, maari po sanang itigil na natin ang patayan. Ang pangangailangan at kagustuhan ng ating lokal ng komunidad ay isang matiwasay na lipunan, maunlad na pamumuhay at payapang bayan. Hindi ko nais manirahan sa isang bansang nabubuhay sa takot. Ang mga kriminal na malakas gumawa ng mga karumaldumal na gawain ay dinadaig na ngayon ng ating mga kapulisan, ang pambansa nating proteksyon. Paano pa tayo makakasigurong ligtas kung hindi lang tayo natatakot sa maaaring maganap na mga krimen kundi pati na rin sa kawalan ng mga karapatang pantao at due process. Maaari na ngayong pumatay ang kahit sino at sabihin na lang na may koneksyon ito sa droga. Bakit mas adik na ngayon ang mga opisyal, awtoridad at pinuno? Adik at ganid sa puwesto, kapangyarihan at pera! Ang lakas ng adiksyon ng mga mamamayan sa kawalan ng respe